Preliminary report sa random manual audit ilalabas na ngayong araw

LENTE Philippines photo

Inanunsyo ng isang opisyal ng Legal Network for Truthful Elections (LENTE) na ilalabas na ngayong araw ng Huwebes ang preliminary report sa ginawang random manual audit (RMA) para sa May 13 elections.

Kailangan ang random manual audit upang masigurong tama ang resulta na inilabas ng vote counting machines (VCMs).

Sa isang panayam araw ng Miyerkules, sinabi ni LENTE Executive Director Rona Caritos na mas mataas ang accuracy rate ng May 2019 elections kumpara sa nagdaang mga halalan.

Pinabulaanan ni Caritos na may mga iregularidad na naganap sa pagbasa ng boto ng mga makina.

“Wala ‘yung mga agam-agam natin na mali ‘yung binasa ng makina,” ani Cartios.

Manu-manong binilang at kinumpara ng RMA team sa automated tally ang mga boto mula sa 715 randomly selected precincts.

Ang RMA ay ginawa sa pagtutulungan ng Comelec, LENTE, Philippine Statistics Authority at Philippine Institute of Certified Public Accountants (PICPA).

Read more...