Murang mangga ibebenta sa Metro Manila

By Rhommel Balasbas June 06, 2019 - 04:15 AM

Credit: Department of Agriculture

Good news para sa mango lovers sa Metro Manila!

Inanunsyo ng Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry ang nakatakdang pagbebenta ng gobyerno ng murang mangga dito sa Metro Manila.

Ito ay bilang tugon ng kagawaran sa pagbagsak ng presyo ng mangga dahil sa sobrang produksyon.

Malaki ang epekto sa kita ng mga magsasaka ang bagsak-presyo.

Sa anunsyo ng DA, inaanyayahan ang mga residente sa Metro Manila at mga karatig lalawigan na makilahok sa Mango Festival sa Lunes, June 10, 2019.

Magaganap ito sa Central Office ng kagawaran sa Quezon City at sa BPI Compound sa Malate, Maynila.

Nauna nang sinabi ng DA na may dalawang milyong surplus ng mangga ang bansa sa ngayon.

ng hindi pangkaraniwang pagtaas ng produksyon sa mangga ay dahil sa umano’y epekto ng El Niño.

Noong 2016 na taon na nanalasa rin eng El Niño ay sobra rin ang produksyon ng mangga sa bansa.

 

TAGS: Bureau of Plant Industry, Department of Agriculture, El Niño, mangga, mura, overporduction, surplus, Bureau of Plant Industry, Department of Agriculture, El Niño, mangga, mura, overporduction, surplus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.