DA: Japanese fruit importer bibili ng 100 tonelada ng mangga

By Rhommel Balasbas June 06, 2019 - 03:56 AM

Credit: DA Sec. Manny Piñol

Inanunsyo ni Agriculture Sec. Manny Piñol Miyerkules ng gabi na isang Japanese fruits importer ang nakatakdang bumili ng 100 tonelada ng mangga sa bansa.

Ayon kay Piñol, napapanahon ito dahil mayroong dalawang milyong kilong surplus o sobrang produksyon ng manga ang Pilipinas ngayon.

Ang kumpanyang Diamond Star anya na dati nang kumukuha sa Pilipinas ng mangga, papaya, pinya, saging at singkamas ay nagpahayag ng kagustuhang bumili ng malaking volume ng mangga.

Makikipag-ugnayan umano ngayong linggo kay Philippine Agriculture attache to Japan Dr. Samuel Animas ang naturang kumpanya para sa importasyon ng mga manga.

Inaasahan ding lalahok ang mga opisyal ng Diamond Star sa launching ng Metro Mango Marketing Program ng kagawaran sa Lunes.

 

TAGS: 100 tonelada, Agriculture Sec. Manny Piñol, Diamond Star, Japanese fruits importer, mangga, Metro Mango Marketing Program, 100 tonelada, Agriculture Sec. Manny Piñol, Diamond Star, Japanese fruits importer, mangga, Metro Mango Marketing Program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.