WATCH: Liza Soberano inoperahan muli dahil sa nabaling daliri

By Rhommel Balasbas June 06, 2019 - 03:47 AM

Screengrab of Ogie Diaz video

Sa ikatlong pagkakataon ay muling sumailalim sa operasyon ang aktres na si Liza Soberano dahil sa kanyang nabaling daliri.

Nasa Amerika ngayon ang aktres kung saan naganap ang operasyon.

Sa video na ini-upload ng manager ni Soberano na si Ogie Diaz, ikwinento ng aktres ang mga prosesong pinagdaanan sa ikatlong operasyon na tinatawag anya ng internal fixation.

Nilagyan din anya ang kanyang daliri ng stabilizer na sumusuporta sa mga buto para dumiretso ito.

Magugunitang ang nabaling daliri na tinamo sa shooting ng seryeng ‘Bagani’ ang dahilan kung bakit hindi na natuloy si Soberano sa proyektong Darna.

Sa video, sinabi ng aktres na hindi na siya makakabalik pa sa pagka-Darna dahil mahabang panahon ang kakailanganin para gumaling ang kanyang daliri.

Dalawang buwan pa ang ilalagi ni Soberano sa Amerika dahil sasailalim pa siya sa isa pang operasyon na pang-apat nang operasyon.

Posible rin anyang hindi na maging normal ang function kanyang mga daliri o hindi na ito maitupi.

Kasama ni Soberano sa kanyang medikasyon ang pamilya.

TAGS: Bagani, daliri, internal fixation, Liza Soberano, Ogie Diaz, operasyon, stabilizer, Bagani, daliri, internal fixation, Liza Soberano, Ogie Diaz, operasyon, stabilizer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.