Ancajas lalaban uli sa Sityembre; Juan Francisco Estrada target na kalaban

Plano ni reigning IBF world super flyweight champion Jerwin Ancajas na muling lumaban sa Sityembre.

Galing ang 27 anyos na si Ancajas sa matagumpay na 7th title defense laban sa Japanese na si Ryuichi Funai noong nakaraang buwan sa California kung saan nanalo ito via 7th round knockout.

Target ng Team Ancajas ang unification bout kay WBC world super flyweight champion Juan Francisco Estrada.

Ayon sa promoter na si Sean Gibbons, handa si Ancajas na kalabanin sinuman pero nais ng kanyang team na makasagupa ang mga kapwa world champions nito sa super flyweight division.

Nais anya ng publiko ang unification fights dahil naglalaban ang dalawang kampeon kaya si Estrada ang tamang sunod na kalaban ni Ancajas.

 

Read more...