Publiko binalaan ng FDA sa pagbili ng 10 cosmetic products na may mercury
Naglabas ng health warning ang Food and Drug Administration (FDA) upang mabalaan ang publiko sa pagbili ng cosmetic products na mapanganib sa kalusugan.
Sa report ng ASEAN Post-Marketing Alert System (PMAS) 10 cosmetic products ang napag-alamang nagtataglay ng ammoniated mercury at mapanganib na mga kemikal.
Ang mga naturang produkto ay ang mga sumusunod:
B Plus Miracle Gold Cream
Madame Organic Whitening Arbutin
Herbal Turmeric Herbal Cream
Melusma Melasma Brightening Cream
Beuty 3 Night Cream
BeQuala Beauty Quality Lab
Ozzy Mask
Polla Gold Super White Perfects
O-Ping Wink Winner Ping Whitening Cream
Myrina Night Cream
Ayon sa FDA, hindi sumunod sa technical standards na itinakda ng ASEAN Cosmetic Directive (ACD) ang sampung produkto dahil nagtataglay ang mga ito ng ingredients na hindi pinapayagang maisama sa isang cosmetic product.
Iginiit ng ahensya na ang mercury ay mapanganib sa kalusugan kahit sa maliit na amount.
Ang taong expose sa mercury ay posibleng magtamo ng pinsala sa kidney, skin rashes, skin discoloration, scarring at mababawasan ang resistance ng balat sa bacterial at fungal infections
May epekto rin sa mga buntis ang mercury kung saan posible itong mailipat sa kanilang mga dinadalang anak na posibleng magresulta ng neurodevelopmental deficit sa bata.
Hinimok ng FDA ang publiko na ipagbigay-alam sa kanila kung makakakita ng mga nasabing produkto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.