Duterte handang mamatay kasama ang militar

ALBERT ALCAIN / PRESIDENTIAL PHOTO

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa militar na handa siyang mamatay kasama ng mga sundalo.

Pahayag ito ng Pangulo kasabay ng pagkilala sa 11 nasugatang sundalo sa seremonya sa Camp General Teodulfo Bautista sa Jolo, Sulu.

“Sa panahon na kailangan ninyo ang inyong commander-in-chief to be with you, beside you, and to die with you, nandito ako sa mga panahon na ‘yan,” pahayag ni Duterte sa kanyang talumpati sa harap ng mga tropa ng gobyerno.

Binisita ng Pangulo ang kampo at nagbigay ng Order of Lapu Lapu with rank of Kampilan sa 11 sundalo na nasugatan sa engkwentro sa Abu Sayyaf Group sa Barangay Pansul, Patikul noong May 31.

Tumanggap ng parangal sina Cpl. Arsenio Opaco Jr., Cpl. Sonny Jumoc, Pfc. Edwin Yurong, Pfc. Edeson Alom, Pfc. Abduhasad Baladji, Pcf. Joevertt Ramirez, Pvt. Dominic Osorio, Pvt. Jeric Peñaredondo, Pvt. Raymund Balambao, Pvt. Ramil Diaz Jr., at Pvt. Albert Daligdig.

Pinarangalan din ng Pangulo ng Gold Cross Medal sina Lt. Col. Abdulmoel Alamaia, Lt. Col. Ronaldo Amteo, 1st Lt. Romel Pacer, 1st Lt. Geronimo Vergara, Cpl. Ariel Sanchez, Cpl. Engelbert Tañan, at Cpl. Reylan Busmeon.

Bukod sa dobleng sweldo ng mga miyembro ng militar, ipinangako ng Pangulo ang pamimigay ng hazards’ pay sa nakalipas na mga buwan.

 

Read more...