FDA maglalabas ng listahan ng mga sukang may ‘natural’ acetic acid
Inanunsyo ng Food and Drug Administration (FDA) na maglalabas din sila ng listahan ng mga sukang natural o yaong hindi ginamitan ng synthetic acetic acid.
Ito ay makaraang ilabas ng FDA araw ng Martes ang listahan ng limang suka na gumagamit ng naturang kemikal.
Ayon kay Health Undersecretary at FDA officer-in-charge Eric Domingo, ilalabas ang listahan ng mga suka na ‘natural’ acetic acid ang gamit sa susunod na linggo.
Pero sinabi ni Domingo na sa mga susunod na araw ay maglalabas pa rin ang FDA ng listahan ng mga substandard na suka kung may makikita pa ang ahensya.
“Sa susunod na mga araw, maglalabas pa po tayo kung mayroon pa po tayong nakita na ganitong hindi papasa sa ating quality standards, sasabihin po natin,” ani Domingo.
Nauna nang iginiit ng consumer groups na dapat ilabas ang listahan ng synthetic vinegar upang maiwasan ng publiko na bilhin ang mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.