SAF member nalunod sa gitna ng training sa Batangas

By Len Montaño June 06, 2019 - 01:09 AM

FB photo

Namatay ang isang miyembro ng Special Action Force (SAF) matapos malunod habang nasa training sa Batangas.

Nalunod ang 27 anyos na si Manny Baldonado sa kasagsagan ng pagsasanay.

Kinuwestyon naman ng ina ni Baldonado ang nangyari sa kanyang anak.

Nais malaman ni Ginang Noemi Baldonado kung bakit umano pinabayaan ang kanyang anak.

Nakatakda na sanang umuwi ang SAF trooper ngayong Hunyo pero bangkay na itong dumating sa kanilang bahay.

Sa Hulyo o Agosto naman ay matatapos na sana ang training ni Baldonado at sa August 21 ay kaarawan nito.

Dahil dito ay humingi ng tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pamilya para imbestigahan ang pangyayari.

Hirap na hirap na anila si Manny sa training SAF pero kinakaya nito ang mga ginagawa sa pagsasanay para sa kanyang pamilya at sa bansa.

 

TAGS: Batangas, Manny Baldonado, nalunod, SAF member, SAF trooper, traning, Batangas, Manny Baldonado, nalunod, SAF member, SAF trooper, traning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.