Nag-anunsiyo na ng Yuletide ceasefire ang Communist Party of the Philippines mula sa darating na December 23 hanggang sa January 3, 2016.
Ayon kay Luis Jalandoni, chief negotiator ng National Democratic Front (NDF) ito ay bilang pakikiisa nila sa tradisyonal na pagdiriwang ng sambayanan ng Pasko at Bagong Taon.
Kasabay na rin nito aniya ang pagbibigay pagkakataon para sa kanilang
puwersa at mga tagasuporta na gunitain ang 47th Anniversary ng CPP-NDF.
Ipinaliwanag din ni Jalandoni na ang tigil putukan ay suporta na rin nila sa mga hakbangin para muling magkaroon ng pag-uusap ukol sa kapayapaan base
sa The Hague Joint Declaration ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) at Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law.
Sa kabuuan ng tigil putukan ngayong taon, inaatasan ang mga kasapi ng New People’s
Army ng pagtigil sa pagsasagawa ng anumang opensiba laban sa mga tauhan ng MiIitar at Pulisya ganun din sa iba pang Paramilitary units.
Gayunman, iginiit ni Jalandoni na mananatili silang naka-alerto para imonitor ang mga kilos ng mga puwersa ng gobyerno at para na rin mabantayan nila aniya ang kanilang mga teritoryo.