Grab driver at anak nito sugatan sa pamamaril sa Las Piñas City

Sugatan ang mag-ama ng binaril sa bahagi ng Doña Manuela Avenue sa Las Piñas City bandang alas 3:45 Miyerkules ng hapon.

Nabaril si Marlou Baisa, 53 anyos na Grab driver at anak nitong si Justine Baisa, 23 anyos.

Ang suspek naman ay nakilalang si Akmad Abubakar, 38 anyos at isang caretaker.

Ayon sa paunang ulat, nagkainitan sa kalye ang dalawang kampo nang biglang bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang mag-ama.

Nakatakas ang suspek matapos nitong tumakbo.

Dinala ang dalawang biktima sa University of Perpetual Help Hospital upang bigyang lunas.

Nagkasa ng follow-up operation ang pulisya upang hanapin ang nagtatago ngayong suspek.

 

Read more...