Pahayag ito ni Bishop David matapos sabihin ni Advincula na ilang beses itong nakipag-kita sa mga pari kabilang ang naturang obispo para pag-usapan umano ang publication ng mga video sa layong mapatalsik sa pwesto ang Pangulo at tiyakin ang pagkatalo ng mga senatorial candidates ng administrasyon sa eleksyon noong May 13.
“Last Monday ‘Bikoy’ appeared in another press conference sponsored by the PNP [Philippine National Police] claiming that he had attended a meeting with me and Senator Trillanes and a certain Jonel at my residence in Caloocan City,” ani David.
Nilinaw din ni David na hindi siya nakipagkita kay Senator Antonio Trillanes IV at hindi rin umano nito kilala ang Joemel na napag-uusapan.
Dahil dito ay nanawagan ang obispo sa Philippine National Police (PNP) na mag-focus sa imbestigasyon sa ilang hindi naresolbang kaso sa Caloocan imbes na imbestigahan ang mga sinasabi ni “Bikoy.”
“As far as I know, most of the thousands of killings called DUI [Death Under Investigation] remain ‘under investigation,’ meaning, unresolved. As bishop of Kalookan, I sincerely wish the PNP could give more time and effort at investigating the truth behind these killings than giving credence to the lies now being peddled by a certain Peter Advincula, alias ‘Bikoy,” pahayag ng obispo.