Dating nahuli sa Oplan Tokhang, arestado sa Quezon City

By Noel Talacay June 05, 2019 - 09:15 PM

Kuha ni Noel Talacay

Arestado ang dalawang lalaki na umano’y tulak ng droga matapos ang ginawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Quezon City.

Isinagawa ang operasyon sa kahabaan ng F. Castio St. sa Barangay Bagumbayan bandang alas 5:10, Miyerkules ng hapon.

Nakilala ang mga suspek na sina Christian Noel Perez, 18-anyos, at Lito Antoño, 31-anyos.

Napag-alaman na ang suspek na si Perez ay dati nang nahuli sa Oplan Tokhang sa nasabing barangay.

Nakuha sa mga suspek ang apat na pakete na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P600 at P200 na buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nakakulong na ang mga suspek sa Quezon City Police Station 8.

TAGS: buy bust operation, buy bust operation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.