Indian National, arestado sa tangkang panggagahasa sa Valenzuela

By Noel Talacay June 05, 2019 - 09:14 PM

Nasagip ang isang babae sa tangkang panghahalay ng isang Indian National sa Valenzuela.

Nakilala ang suspek na si Praveenkuamar Karunaneeth, 24-anyos na 2nd year medical student sa Our Lady of Fatima University.

Ayon sa paunang ulat ng Valenzuela Police, nagkakilala ang suspek at ang biktima sa isang online dating application at inimbitahan ang babae na magtungo sa bahay ng Indian National.

Napag-alamang kasama ng biktima ang nanghingi ng tulong sa pamamagitan ng tawag sa kanyang cellphone matapos makulong ito sa banyo.

Agad namang rumesponde ang Barangay Marulas Anti-Criminality Tasked Forced Officer o (ACTO) dahilan para maaresto ang suspek.

Dinala ng mga barangay tanod ang suspek sa Valenzuela City Police Station.

Kaagad namang nagsampa ng kaso ang mga biktima kontra sa suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong Rape, Slight Illegal Detention, at dalawang bilang ng Threat at paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code dahil tumanggi itong magpaaresto ang suspek.

TAGS: indian national, Praveenkuamar Karunaneeth, rape, indian national, Praveenkuamar Karunaneeth, rape

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.