Duque, nagpasalamat sa Senado sa pagpasa ng excise tax sa tabako
Lubos na nagpasalamat si Health Secretary Francisco Duque III sa pagpasa ng Senado sa Senate Bill 2233 na nagtataas sa presyo ng nga produktong tabako.
Sinabi ni Duque na panalo ang bansa at mga mamamayang Filipino sa pagkakapasa ng panukalang batas.
Nagpaabot din ng pasasalamat si Duque sa buong kagawaran ng kalusugan at Department of Finance (DOF) sa mga sumuporta sa kanilang panukala.
Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill 2233 na naglalayong taasan ang presyo ng tabako ng P45 kada pakete sa 2020.
Masusundan ito ng taunang pagtaas ng presyo ng P5 sa kada pakete hanggang sa umabot ng P60 sa taong 2023.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.