Amyenda sa Saligang Batas na nais ni Pangulong Duterte, dapat suportahan ng susunod na Kongreso
Iginiit ni Leyte Representative-elect Martin Romualdez na kailangang ipagpatuloy ng susunod na liderato ng Kamara ang suporta sa mga legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Romualdez, kabilang na dito ang nais ng pangulo na amyenda sa Saligang Batas.
Sinabi nito na kailangang isama sa mga prayoridad ng mga national leader ang pagsusulong sa Charter Change upang tumugon sa inisyatibo ng administrasyon na lalong palakasin ang ekonomiya.
Dahil dito, hinikayat ni Romualdez ang kanyang mga magiging kasamahan sa 18th Congress at ang sambayanan na manatili sa likod ng pangulo at tulungan sa kanyang isinusulong na sa Federal Constitution.
Paliwanag nito, ang federalism advocacy ng pangulo ay isang golden opportunity upang magbukas ang maraming pintuan para sa kapayapaan at pag-unlad ng bansa at ng mga mamamayan.
Noong Disyembre ng nakalipas na taon, pumasa na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang Resolution of Both Houses No. 15 o ang bersyon ng Kamara ng Federal Constitution.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.