Community Service kapalit ng kulong, aprubado na sa Senado

By Jan Escosio June 05, 2019 - 07:02 PM

Nakalusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na magiging daan para mapaluwag ang mga kulungan sa bansa.

Sinabi ni Sen. Richard Gordon, chairperson ng Committee on Justice at sponsor ng panukala, bibigyang kapangyarihan ang korte na magpataw na lamang ng community service sa halip na pagkakakulong sa mga maliliit na kaso.

Aniya, ang mga sentensiya na arresto mayor o kulong na hanggang anim na buwan at arresto manor o kulong na hanggang 30 na araw ay maaring palitan na lang ng community service.

Paliwanag nito sa kaniyang Senate Bill 2195, ang community service ay dapat gawin sa lugar kung saan nagana pang krimen at ang gagawa nito ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng probation officer at social worker.

Kapag nilabag ang utos ng korte, makukulong na ang nasentensiyahan sa regular na kulungan o isailalim siya sa house arrest.

Tiwala si Gordon na maibaba nito ang congestion rate sa mga kulungan sa bansa na 436 percent.

TAGS: Community Service Act, Sen. Richard Gordon, Senate Bill 2195, Community Service Act, Sen. Richard Gordon, Senate Bill 2195

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.