‘911 TESDA” mobile app, ilulunsad sa Hulyo

Maglulunsad ang ng mobile application sa buwan ng Hulyo.

Sa isang media forum sa Maynila, sinabi ni Isidro Lapeña, director general ng TESDA, target maging fully-operational ang ‘911 TESDA’ mobile application sa Hulyo.

Layon aniya itong makatulong sa mga nagtapos na mabilis na magkaroon ng pansamantalang trabaho.

Ani Lapeña, napirmahan na ang memorandum of understanding ukol sa proyekto kasama ang siyam na online manpower service provider.

Ang operasyon aniya nito ay katulad ng sistema ng ride-hailing service na Grab.

Sisimulan aniya ang app sa bahagi ng Metro Manila. / Angellic Jordan

 

Read more...