PAGASA, naglabas ng thunderstorm advisory sa Metro Manila at ilang kalapit na lalawigan

By Angellic Jordan June 05, 2019 - 04:29 PM

Makararanas ng mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin ang Nueva Ecija, Zambales at Pampanga.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA weather bureau bandang 3:27 ng hapon, iiral ang sama ng panahon sa susunod na isa hanggang dalawang oras.

Maliban sa mga nasabing lugar, inaasahan din ang sama ng panahon sa bahagi ng Quezon City sa Metro Manila; Indang, General Emilio Aguinaldo at Alfonso sa Cavite.

Parehong panahon din ang mararanasan sa Guinayangan, Calauag, Lopez at General Luna sa Quezon; Pulilan, Baliuag, Plaridel, Malolos at Guiguinto sa Bulacan.

Iiral din ang pag-uulan sa susunod na isa hanggang dalawang oras.

Kasunod nito, nag-abiso ang PAGASA sa publiko na maging alerto sa posibleng pagbaha at landslide. / Angellic Jordan

 

TAGS: Calauag, Guinayangan, Nueve Ecija, Pagasa, thunderstorm advisory3, zambales, Calauag, Guinayangan, Nueve Ecija, Pagasa, thunderstorm advisory3, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.