Germany, nangangailangan ng 1,000 hanggang 2,000 medical workers kada taon – Bello

Inquirer File Photo

Nangangailangan ang Germany ng mga nurse at medical worker, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

Sa isang panayam, sinabi ng kalihim na aabot sa 1,000 hanggang 2,000 ang kakailanganin sa Germany kada taon.

Dagdag pa ni Bello, bubuksan ang panibagong Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Berlin.

Maaari aniyang makapagsumite ng requirements ang mga interesadong aplikante hanggang June 30.

Kailangan aniyang nakapagtapos ang aplikante ng Bachelor of Science in Nursing, mayroong Professional Regulations Commission (PRC) license, dalawa o higit pang work experience at handang matututo ng German language. / Angellic Jordan

 

Read more...