3 patay, sanggol sugatan sa pamamaril sa Laguna

By Angellic Jordan June 05, 2019 - 02:37 PM

Nasawi ang tatlong katao habang nasugatan ang isang sanggol dahil sa pamamaril sa Sta. Rosa City, Laguna Miyerkules ng umaga.

Ayon sa Sta. Rosa police, pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang sinasakyang kotse ng mga biktima sa bahagi ng Barangay Dita.

Lulan ang mga suspek ng isang van at motorsiklo.

Kabilang sa mga nasawi ang hepe ng mga barangay tanod sa Barangay Pulong Santa Cruz, biyenan nito at kapwa-barangay tanod.

Hindi rin nakaligtas sa pamamaril ang walong-buwang gulang na anak ng biktima.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa pananambang. / Angellic Jordan

 

TAGS: Barangay Pulong Santa Cruz, laguna, sta. rosa city, Barangay Pulong Santa Cruz, laguna, sta. rosa city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.