Resulta ng reautopsy sa mga labi ng Pinay worker na nasawi sa Kuwait, ilalabas ngayong linggo – Bello
Ilalabas ang resulta ng isinagawang reautopsy ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga labi ng Pinay domestic worker na si Constancia Dayag ngayong linggo, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.
Sa isang panayam, sinabi ng kalihim na posibleng ipatupad ang deployment ban sa Kuwait depende kung lalabas sa resulta na nagkaroon ng foul play sa insidente.
Magiging opsyon din aniya ang deployment ban kung hindi gumawa ng tamang aksyon ang Kuwaiti government sa kaso.
Ayon pa kay Bello, hindi pa nito masasabi na biktima ng pangmamaltrato si Dayag.
Ani Bello, mayroong autopsy report ang Kuwaiti government ngunit kailangan aniyang hintayin ang resulta ng autopsy ng NBI.
Matatandaang pisikal at sekswal umanong inabuso ang Pinay worker kung saan natagpuan pa ang pipino sa maselang bahagi ng katawan nito. / Angellic Jordan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.