7 menor de edad na umano’y magnanakaw, huli sa Isabela

By Angellic Jordan June 05, 2019 - 02:21 PM

Arestado ang pitong menor de edad na hinihinalang magnanakaw sa Ramon, Isabela.

Sa ulat ng pulisya, nakilala ang lider ng grupo na si Aaron Biag, 18-anyos.

Nasa edad 14 hanggang 17 naman ang mga kasamahan nito.

Ayon kay Capt. Frances Littaua, tagapagsalita ng Isabela police, pumasok ang mga suspek sa likod na gate ng Petines Sari-Sari Store at Flea Market noong June 3.

Sinira rin umano ng mga suspek ang bintana ng mga nasabing tindahan.

Ayon sa mga imbestigador, ginamit ng mga suspek ang nanakaw na pera sa pagbili ng kanilang mga cell phone.

Narekober sa mga suspek ang nasa P120,000 na cash.

Inamin naman ng isa sa mga suspek ang pagkakasangkot sa krimen dahilan para mahuli ang ilang kasamahan nito. / Angellic Jordan

 

TAGS: Capt. Frances Littaua, isabela, menor de edad, Ramon, Capt. Frances Littaua, isabela, menor de edad, Ramon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.