Metro Manila at ilang kalapit na lalawigan, uulanin ngayong hapon
Makararanas ng mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin ang Bulacan, Batangas at Quezon.
Sa thunderstorm advisory ng PAGASA weather bureau bandang 1:05 ng hapon, iiral ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Maliban sa mga nasabing lugar, inaasahan din ang sama ng panahon sa bahagi ng Quezon City sa Metro Manila; Santa Cruz, Candelaria, Masinloc at Palauig sa Zambales.
Mararanasan din ang pag-uulan sa susunod sa dalawang oras.
Kasunod nito, nag-abiso ang PAGASA sa publiko na maging alerto sa posibleng pagbaha at landslide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.