Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sugatang sundalo sa Sulu na nakikipagbakbakan sa Abu Sayyaf Group.
Hindi inanunsyo sa media ang pagbisita ng pangulo sa Camp Teodulfo Bautista Station Hospital sa Jolo noong Martes, at ngayong araw ng Miyerkules lamang ibinahagi ng Malakanyang ang mga larawan.
Kasama ng pangulo si Defense Sec. Delfin Lorenzana kung saan 15 sugatang sundalo ang kanilang binista.
Pinangunahan din ng pangulo ang paggawad ng medalya at donning of ranks kay Brig. Gen. Divino Rey Pabayo ng Joint Task Force-Sulu at Brig. Gen. Andres Centino ng Armed Forces of the Philippines Operations.
Ginawaran naman ng pangulo ng Order of Lapu-Lapu – Rank of Kampilan ang 11 sundalong nasugatan noong May 31 sa engkwentro sa Patikul, Sulu.
Kabilang sa mga tumanggap ng Order of Lapu-Lapu ay sina:
Cpl. Arsenio Opaco Jr.
Cpl. Sonny Jumoc
Pfc. Edwin Yurong
Pfc. Edeson Alom
Pfc. Abduhasad Baladji
Pcf. Joevertt Ramirez
Pvt. Dominic Osorio
Pvt. Jeric Peñaredondo
Pvt. Raymund Balambao
Pvt. Ramil Diaz Jr.
Pvt. Albert Daligdig
Pitong sundalo naman ang ginawaran ng Gold Cross medal habang limang enlisted personnel ang tumanggap ng food packs mula sa pangulo.