Comelec wala ng kredibilidd ayon kay outgoing minority leader Suarez

By Erwin Aguilon June 05, 2019 - 12:49 PM

Naniniwala ang minorya sa Kamara na wala nang kredibilidad ang Commission on Elections matapos ang mga nangyaring aberya sa katatapos na May 2019 elections.

Ayon kay Minority Leader at outgoing Quezon Rep. Danilo Suarez, kung mayroong dapat managot sa nangyaring failure of elections para sa party-list groups, ito’y ang Comelec dahil sa ginawa nitong kapabayaan at hindi ang provider na Smartmatic.

Ang poll body aniya ang gumastos ng labindalawang bilyong piso para sa procurement ng election paraphernalia at iba pang gamit habang nasa higit isang bilyong piso lamang ang ibinayad sa Smartmatic

Sinabi naman ni outgoing ACTS-OFW Rep Aniceto Bertiz na kailangang maimbestigahan at masampahan ng kaso ang mga supplier ng pumalyang SD cards na umabot sa 2,679, mas mataas nang di hamak sa higit isandaan noong 2016 elections.

Ito anya ay upang matukoy kung may kredibilidad ang mga naturang supplier at kung may karanasan na ba sa paglahok sa halalan.

Bukod pa rito, pinagpapaliwanag ng kongresista ang Comelec kung bakit hindi binuksan sa media ang server na nangangasiwa sa transmission ng resulta sa kasagsagan ng pitong oras na glitch para mas magkaroon ng transparency.

TAGS: comelec, Danilo Suarez, failure of elections, may elections, comelec, Danilo Suarez, failure of elections, may elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.