Nawawalang diver sa Palawan pinaghahanap ng coast guard
Pinaghahanap ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang diver na napaulat na nawawala sa Tubbataha sa Palawan.
Ayon kay Coast Guard Spokesman Captain Arman Balilo, nakatanggap ng ulat ang PCG na mayroong nawawalang diver na nakilalang si Bryan Nazareno na napabilang sa grupo ni Gutsy Tuason ng Squire Bingham Sports.
Ayon kay Balilo agad na inatasan nila ang PCG District Palawan upang alamin ang naturang report, at makipag-ugnayan sa mga diver’s group at magsagawa kaagad ng Search and Rescue Operations upang galugarin ang Amos Rock Tubbahata Palawan.
Paliwanag ni Balilo ang BRP Cabra ay nagtungo sa pinangyarihan kung saan sinasabing nawala ang diver.
Dagdag pa ni Balilo lulan ng naturang barko ang frogmen mula sa Special Operations Group at medical team kung saan patuloy pa rin ginagalugad ng mga Rescue Team ang naturang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.