PAGASA naglabas thunderstorm advisory sa Quezon at Zambales
By Dona Dominguez-Cargullo June 05, 2019 - 12:26 PM
Nagpalabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa lalawigan ng Zambales at Quezon.
Sa abiso na inilabas ng PAGASA alas 12:10 ng tanghali ng Miyerkules, June 5, nakasaad na makararanas ng malakas na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat ang dalawang lalawigan.
Ayon sa PAGASA tatagal ang pag-ulan sa susunod na 2 oras.
Pinapayuhan ang mga residente sa nabanggit na lalawigan na maging maingat saposibleng pagbaha at landslides.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.