Hinihinalang bloke ng cocaine natagpuan sa karagatan ng Rapu-Rapu, Albay

By Dona Dominguez-Cargullo June 05, 2019 - 12:14 PM

File Photo
May natagpuan muling hinihinalang bloke ng cocaine sa sa karagatang sakop ng Rapu-Rapu sa Albay.

Ayon kay Major Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol police, ang mga mangingisda na sina Nilo Aguilar, 38, Joy Dungaran, 42, at Joven Cambi, 24, ang nakakita sa cocaine.

Sumama umano ito sa fishnet ng tatlo habang sila ay nangingisda sa boundary ng Prieto Diaz sa Sorsogon.

Nakabalot ng brown na packaging tape ang package kaya binuksan nila ito at doon nila nakita ang crystalline powdered substance na nasa loob.

Tinatayang nasa halos isang kilo ang bigat ng hinihinalang cocaine brick at nagkakahalaga ito ng P5.6 million.

Naiturnover na ito sa Police Crime Laboratory para sa pagsusuri.

TAGS: Albay, cocaine, rapu-rapu, Albay, cocaine, rapu-rapu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.