Kita ng GSIS sa unang apat na buwan humataw sa halos P30B

By Jan Escosio June 05, 2019 - 12:02 PM

Tumaas sa halos 400 percent ang kita ng GSIS sa unang apat na buwan ngayon taon.

Sinabi ni GSIS President and General Manager Jesus Aranas mula sa P9.05 billion sa katulad na panahon noong nakaraang ay lumobo ito sa P38.7 billion ngayon taon.

Aniya ang malaki nilang kinita ay dahil sa pagtaas ng kanilang stock market shares, pagtaas ng interest income at pagtaas ng kontribusyon ng mga miyembro.

Binanggit din nito ang magandang ibinibunga ng kanilang mga programa, tulad ng GSIS Financial Assistance Loan o GFAL at ang pagdami ng kanilang mga aktibong miyembro sa 1.8 milyon ngayon taon.

Ibinahagi din ni Aranas na ang kabuuan nilang assets ay nagkakahalaga na ng P1.2 trillion na mataas ng anim na porsiyento noong January to April last year.

TAGS: GSIS, GSIS Income, GSIS, GSIS Income

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.