Tatlo sa apat na bihag pinakawalan na ng NPA sa Surigao Del Sur
Pinalaya na ng New People’s Army (NPA) ang tatlo sa apat na bihag sa Surigao Del Sur.
Kinumpirma ng 36th Infantry “Valor” Battalion ng Philippine Army na pinakawalan na ang mga bihag noong Lunes kasunod ng inilunsad pursuit operations para mailigtas ang mga biktima.
Kinilala ang mga ito na sina Angelo Duazo, Wendil Delicuna at Jeffrery Delicuna na dinukot noong biyernes, May 30 sa Barangay Mampi sa bayan ng Lanuza kasama ang apat na iba pang sibilyan.
Nauna nang pinalaya ang tatlong bihag dahil nagiging pabigat lamang ang mga ito sa pagtakas ng mga rebelde.
Ayon kay 36IB civil-military operation officer, 1LT Jonald D. Romorosa ang nalalabing bihag na nakilalang si Ryard Badiang na ginagamit na human shield ng grupo.
Inihayag naman ni 36IB commander, Lt. Col. Xerxes A. Trinidad na ang pagdukot ay paraan ng NPA para takutin ang mga residente ng isang komunidad at tigilan ang pagsuporta sa pwersa ng pamahalaan.
Binabantaan din aniya ang mga ito na maglulunsad ng karahasan sa lugar.
Umapela si Trinidad sa NPA na palayain na ang iba pa nilang bihag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.