Libu-libong rebeldeng NPA at mga drug pusher nagtapos sa TESDA

By Ricky Brozas June 05, 2019 - 11:13 AM

Ipinagmamalaki ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA ang pagkakaloob ng mga natatanging kaalaman sa 1,290 na dating miyembro ng NPA at 3,718 na mga drug surrederees.

Ang nasabing datos ng mga nagsipagtapos ay mula lamang Enero hanggang Mayo ngayong 2019 na pawang naninirahan sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa Kapihan sa Manila Bay, inanunsiyo ni TESDA Director General Isidro Lapeña na inilapit sa lahat ng mamamayan ang pinalawak na programa ng ahensya sa pamamagitan ng “TESDA Abot Lahat” mula nang pangasiwaan niya noong Oktubre 2018.

Bukod sa mga sumukong NPA, pushers and users ng illegal drugs, isinali rin na sa TESDA scholars ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na bumalik sa Pilipinas dulot ng iba’t ibang dahilan.

Paliwanag ni Lapeña, kailangang-kailangan ng mga indibiduwal na ito ang tulong ng pamahalaan na kanilang magagamit sa pagsisimula ng panibagong buhay.

Ang mga nagtapos ay tinutulungan din ngayon ng TESDA na makakita ng trabaho upang mapakinabangan ang kanilang mga pinag-aralan.

TAGS: drug surrenderees, NPA, Tesda, drug surrenderees, NPA, Tesda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.