Magkasintahang sina Dennis trillo at Jennylyn Mercado inilunsad ang kanilang vlog

By Dona Dominguez-Cargullo June 05, 2019 - 10:27 AM

IG Photo

Inilusand ng magkasintahang Dennis trillo at Jennylyn Mercado ang kanilang vlog.

Ang Youtube channel ng dalawa ay tinawag nilang “Co-Love” na hango sa salitang collab, dahil tampok sa kanilang vlog ang kanilang duets at iba pang may kaugnayan sa pagkahilig nila pareho sa musika.

Sa unang episode sa kabilang vlog, inawit nina Dennis at Jennylyn ang “Maybe I’m Amazed” ni Paul McCartney kung saan maliban sa pag-duet nila ay nagsilbi ring drummer si Dennis.

Ayon kay Jen, ideya nilang dalawa ang gawin ang “Co-Love” para maibahagi sa publiko ang gift of music.

Common interest din nila ang musika at isa ito sa mga bagay na labis nilang napagkakasunduan.

TAGS: co-love, Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, vlog, co-love, Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, vlog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.