LOOK: Mahigit 1,000 Muslim nagtipun-tipon sa Cebu para sa Eid’l Fitr

Maaga ring nagtipun-tipon ang mga Muslim sa Cebu City para ipagdiwang ang pagtatapos ng Ramadan.

Nasa 1,500 Muslims ang sama-samang nagdasal sa Plaza Independencia sa Cebu para sa taunang congregation prayer na bahagi ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr.

Alas 7:30 ng umaga nang magsimula ang pananalangin na pinangunahan ng Imam na si Ustadz Salim Daham.

Paalala nio Daham, gamitin ang pagkakataong ito para magsisi at humingi ng kapatawaran kay Allah.

Nagtungo naman sa lugar para makiisa sa selebrasyon si Cebu City outgoing Mayor Tomas Osmeña.

Read more...