US magpapatupad ng panibagong restrictions sa mga mamamayan nilang nagtutungo sa Cuba
Magpapatupad ng panibagong restrictions ang Estados Unidos sa kanilang mamamayan na bumibiyahe sa Cuba.
Ayon kay US Treasury Secretary Steven Mnuchin kailangan nilang mas maghigpit ng regulasyon.
May mga inoorganisa kasi aniyang group tours kung saan napapayagan agad ang mga US Citizen na makabiyahe sa Cuba nang hindi naidadaan sa masusising pagsusuri sa sitwasyon.
Isa din sa maaring ipatupad ay ang pagbabawal sa US cruise ships na mag-dock sa Cuba.
Ang restrictions ay para maingatan ang mga mamamayan ng US dahil ang Cuba ay sumusuporta umano sa mga komunista na naghahasik ng gulo sa Venezuela at Nicaragua.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.