Pagsabog naganap sa set ng James Bond movie, 1 ang sugatan
Nagkaroon ng pagsabog sa set ng bagong James Bond movie at nasugatan ang isang crew ng pelikula.
Nangyari ang pagsabog sa Pinewood Studios na ikinasira ng stage nito.
Sa official Twitter account ng James Bond kinumpirma na may pagsabog sa set ng Bond 25.
Ito na ang ikalawang production incident sa James Bond set.
Magugunitang naurong ang shooting at naumpisahan bago matapos ang Mayo matapos na masaktan sa paa si Daniel Craig habang ginagawa ang kaniyang stunt sa Jamaica.
Sumailalim siya sa minor ankle surgery at kinailanga ng dalawang linggong pahinga.
Hindi pa tiyak kung ang pagsabog na nangyari ay makaaapekto sa shooting ng pelikula.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.