Opisyal ng DOTr nanakawan ng gamit sa isang hotel sa Tagaytay

By Dona Dominguez-Cargullo June 05, 2019 - 09:36 AM

Nabiktima ng magnanakaw si Transportation Assistant Secretary Elvira Medina habang naka-check in siya sa isang hotel sa Tagaytay City.

Nag-check in si Medina kasama ang kaniyang staff sa Dominque Hotel dahil dadalo ito sa isang seminar.

Ayon kay Tagaytay police officer-in-charge Major Rodney Baloyo, nagising na lamang grupo ni Medina alas 3:30 ng madaling araw ng Miyerkules (June 5) na nawawala na ang kanilang cash at mga alahas.

Kabilang sa natangay ang P15,000 na cash, isang pearl necklace, 3 pares ng diamond na hikaw at 2 gold na singsing.

Sinabi ni Baloyo na maaring sa bintana ng 2nd floor ng hotel dumaan ang magnanakaw.

Kabilang sa iimbestigahan ng pulisya kung nagkaroon ng pagkukulang sa seguridad na ipinatutupad ng hotel at kung mayroong anggulo ng inside job.

TAGS: dotr, elvira medina, Radyo Inquirer, Tagaytay, dotr, elvira medina, Radyo Inquirer, Tagaytay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.