Libu-libong Muslim dumagsa sa Quirino Grandstand sa Maynila para ipagdiwang ang Eid’l Fitr

By Dona Dominguez-Cargullo June 05, 2019 - 08:32 AM

Dagsa na ang libu-libong Muslim sa Quirino Grandstand sa Maynila para makiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr.

Bago pa sumikat ang araw nang magsimulang magtipun-tipon ang mga Muslim sa Quirino Grandstand.

Napuno ng tao ang open field sa harap ng Grandstand na kinabibilangan ng magpapamilyang Muslim na ang iba ay mula pa sa mga lalawigan.

Alas 7:00 ng umaga ang pormal na nagsimula ng aktibidad matapos ang isang buwang paggunita sa Ramadan.

Ayon sa Manila Police District (MPD), sa kanilang pagtaya dakong alas 8:00 ng umaga ay umabot na sa 5,000 ang crowd estimate sa Quirino Grandstand.

Maliban sa Quirino Grandstand, nagtipun-tipon din ang mga Muslim sa Maharlika Village sa Taguig City at sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City.

TAGS: Eid'l Fitr, End of Ramadan, Quirino Grandstand, ramadan, Eid'l Fitr, End of Ramadan, Quirino Grandstand, ramadan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.