Dating modelo, 9 na iba pa arestado sa magkahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo June 05, 2019 - 07:48 AM

Arestado ang isang dating modelo at siyam na iba pa sa magkahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa Quezon City.

Unang nahuli ang isang hinihinalang drug pusher, isang bar entertainer at mag-asawa sa Barangay Holy Spirit.

Inamin ng target na drug pusher na siya ay gumagamit ng shabu, at pagkatapos ay itinuro nito sa mga tauhan ng Batasan Police Station ang umano ay source niya ng ilegal na droga na isang entertainer sa bar.

Ang mag-asawa namang naaresto sinabing nadamay lang sila sa operasyon.

Samantala, anim naman ang nadakip na kinabibilangan ng isang dating modelo sa Japan sa ikinasang buy bust operation sa Zuzuaregui Street.

Ayon sa QCPD, nagkasa sila ng buy bust laban sa mga suspek at agad dinakip ang mga ito nang positibong makabili ng ilegal na droga ang poseur buyer.

TAGS: buy bust, Holy Spirit, old balara, quezon city, War on drugs, buy bust, Holy Spirit, old balara, quezon city, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.