Bagyong Nona nag-landfall na sa Pinamalayan, Oriental Mindoro
Sa ikalimang pagkakataon muling tumama sa kalupaan ang bagyong Nona.
Ayon sa PAGASA, alas 10:30 ng umaga kanina (December 15) nag-landfall ang bagyo sa Pinamalayan, Oriental Mindoro.
Ito na ang ikalimang pagtama sa lupa ng bagyo simula kahapon.
Unang nag-landfall ang bagyong Nona sa Batag Northern Samar, ikalawa sa Bulusan Sorsogon, ikatlo sa Burias Island at ang ikaapat na landfall nito ay naganap kaninang umaga sa Bantog, Romblon.
Sinabi ng PAGASA na dahil sa ilang beses na pagtama sa lupa ng bagyo, inaasahang patuloy itong hihina.
Sa pagtaya ng PAGASA hihina bilang isang severe tropical storm na lamang ang bagyo bukas, at sa Huwebes ay magiging isang tropical depression na lamang ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.