P1.2M na halaga ng shabu nakumpiska sa pitong drug suspects sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo June 05, 2019 - 06:45 AM

Arestado ang pitong katao sa Makati City na nahuling nagsusugal sa Brgy. Rizal sa Makati City.

Ayon sa Makati City police, isinagawa ang operasyon, Martes (June 4) ng hapon matapos makatanggap ng impormasyon na sangkot sa ilegal na pagsusugal ang mga suspek.

Naaresto sina Anthony Ordoñez, 18; Regie Maraño, 51; at limang hindi pa nakikilalang mga suspek.

Nang mag-inspeksyon sa lugar, nakuha sa pag-iingat ng mga ito ang dalawang plastic bags at dalawang sachets na naglalaman ng aabot sa 165 grams ng shabu.

Tinatayang nasa P1.2 million ang halaga nito.

Nakakulong na ngayon ang mga suspek sa Makati City Police Department.

TAGS: arrested, barangay Rizal, Makati, operation, P1.2 million, police operation, shabu, War on drugs, arrested, barangay Rizal, Makati, operation, P1.2 million, police operation, shabu, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.