Sunog sumiklab sa isang bodega sa Maynila

Tinupok ng apoy ang isang bodega sa Paco, Maynila.

Nagsimula ang sunog pasado ala 1:00 ng madaling araw ng Miyerkules, June 5 sa bahagi ng UN Avenue.

Ang naturang bodega ay imbakan ng iba’t ibang mga gamit at mga sangkap sa paggawa ng candy.

Wala namang tao sa loob ng bodega nang sumiklab ang sunog na umabot sa 2nd alarm.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Read more...