Visayas, Mindanao at Palawan apektado pa rin ng ITCZ – Pagasa

By Dona Dominguez-Cargullo June 05, 2019 - 06:22 AM

Apektado pa rin ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang malaking bahagi ng bansa.

Naghahatid ito ng maulap na papawirin na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Visayas, Mindanao at Palawan.

Pinayuhan ng Pagasa ang mga residente sa apektadong mga lugar na maging handa sa malakas na buhos ng ulan.

Samantala, sa Metro Manila naman at sa nalalabing bahagi ng Luzon, bahagyang maulap na papawirin lang ang mararanasan sa umaga at tanghali.

Mataas naman ang tsansa ng pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.

TAGS: ITCZ, Mindanao, Pagasa, Palawan, Visayas, weather, ITCZ, Mindanao, Pagasa, Palawan, Visayas, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.