Dalagitang may problema sa pag-iisip pinagamit ng shabu bago ginahasa sa Maynila

By Rhommel Balasbas June 05, 2019 - 05:13 AM

Isang 17-anyos na dalagita ang ginahasa ng tatlong lalaki sa Brgy. 123, Tondo, Maynila.

Ayon sa ina ng biktima, may diperensya sa pag-iisip ang kanyang anak na halinhinang ginahasa ng mga suspek na nakilalang sina Manuel Saylo, Cesar Gabino at Danny Pelayo.

Una nang iniulat ng ina ng biktima sa barangay na nawawala ang kanyang anak ngunit bigla na lang itong sumulpot at sinabing pumunta lamang siya sa bahay ng kanyang kaklase.

Gayunman, napag-alaman ng pamilya na hindi ito galing sa bahay ng kaklase kundi sa bahay ng pinsan ng isa sa mga suspek.

Lumalabas sa imbestigasyon na pinagamit pa ng iligal na droga ang biktima bago ito pagsamantalahan.

Pinagbantaan pa anya siya na papatayin kung magpupumiglas.

Naaresto sina Saylo at Gabino ngunit nakatakas si Pelayo.

Giit ng dalawa, hinipuan lamang nila ang biktima at si Pelayo ang talagang nanggahasa rito.

Mahaharap sa kasong child abuse ang dalawa na bibigat pa dahil menor de edad at may diperensya sa pag-iisip ang biktima.

Pinaghahanap na ng mga pulis ang nakatakas na suspek.

TAGS: Dalagitang may problema sa pag-iisip, ginahasa, Maynila, pinagamit ng shabu, Dalagitang may problema sa pag-iisip, ginahasa, Maynila, pinagamit ng shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.