Estudyante natagpuang patay sa Laguna; bangkay isiniksik sa storage box

Facebook Photo

Natagpuang patay ang isang estudyante sa gilid ng kalye sa Biñan, Laguna, Martes ng umaga.

Ang bangkay ng biktima ay isinilid pa sa isang plastic storage box.

Ayon kay Biñan City Police chief Police Lt. Col. Danilo Mendoza, kinilala ang biktima na si Carl Laurence Demerey, 24 anyos, estudyante ng Arellano University.

Nalaman ang pagkakakilanlan ng biktima dahil sa mga identification cards nito, kabilang na ang school ID.

Isang band group member si Demerey.

Isang tricycle driver ang nakakita sa plastic storage box at laking gulat na lamang niya na bangkay ang laman nito.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa pamamaslang at inaalam ang mga nasa likod nito.

Read more...