Isa na ang patay sa bagyong Nona

From Gov. Joey Salceda's FB page
From Gov. Joey Salceda’s FB page

Nakapagtala na ng isang patay ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC dahil sa pananalasa ng bagyong Nona.

Kinilala ang biktimang si Ausente Pascual, 31 anyos na mula sa Northern Samar.

Sa inisyal na ulat na nakarating sa NDRRMC, nabagsakan ng bubong si Pascual.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, mayroon pa silang natatanggap na iba pang ulat hinggil sa mga casualties sa bagyong Nona pero hindi nila ito ilalabas sa media hangga’t hindi kumpirmado at walang pagkakakilanlan.

Sa update ng NDRRMC marami pa ring lugar ang walang kuryente kabilang na ang bahagi ng Calabarzon, Bicol Region at Eastern Visayas.

Sa lalawigan naman ng Samar, walang linya ng komunikasyon simula pa alas 8:00 ng gabi kagabi.

Umabot naman sa 162,729 na pamilya o 733,150 na indibidwal ang inilkas sa regions 4-A, 4-B, 5, 7 at 8 dahil sa epekto ng bagyo.

Read more...