Huling sesyon para sa 17th Congress tinapos ng mga senador sa pamamagitan ng ‘Class Picture’

‘Class Picture’.

Ito ang taguri ng mga Senador sa kanilang huling group photo sa pagtatapos ng sesyon ng Senado para sa 17th Congress araw ng Martes.

Nagbatuhan ng biro ang mga senador at sinaway ang isa’t isa na huwag dapat maging maingay dahil magagalit ang principal.

Ang tinutukoy nilang principal ay si Sen. Cynthia Villar.

Magugunitang kumalat ang mga memes noong nakaraang taon na nagbibigay ng high school roles sa mga senador sa kanilang dating group photo.

Samantala, sa kanilang group photo kahapon, isang balabal na nakapalibot sa isang upuan ang makikita dahil nakareserba ito para kay Sen. Leila de Lima.

Read more...