Ban sa government trips ng mga opisyal sa Canada tinanggal na ng Malacañang

By Rhommel Balasbas June 05, 2019 - 03:40 AM

Inialis na ng Palasyo ng Malacañang araw ng Martes ang ipinatupad na ban sa biyahe ng mga opisyal ng Pilipinas sa Canada.

Ang pag-alis sa ban ay matapos maibalik sa Canada ang tone-toneladang basurang ipinadala nito sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, epektibo agad ang lifting ng ban alinsunod sa kautusan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Magugunitang sa memorandum na may lagda ni Medialdea noong May 20, pinagbawalan ang mga opisyal ng gobyerno na mag-isyu ng travel authorities para sa official trips papuntang Canada.

Pinabawasan din ang pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng Canadian government.

Noong nakaraang linggo ay naibalik na ng Pilipinas ang Canadian trash kung saan sinagot ng North American country ang reexportation cost.

TAGS: Ban on foreign trips, Canadian trash, Executive Secretary Salvador Medialdea, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Ban on foreign trips, Canadian trash, Executive Secretary Salvador Medialdea, Presidential Spokesperson Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.