Malacañang: Pagtaas ng bilang ng mga Filipino na ‘masaya’, dahil sa mga pagbabagong ipinatutupad ng Duterte admin

Welcome sa Palasyo ng Malacañang ang resulta ng first quarter Social Weather Stations survey na nagsasabing 44 percent ng mga Filipino ang nagsabing sila ay ‘very happy’ o talagang masaya sa kanilang buhay sa kasalukuyan.

Mas mataas ang naturang bilang ng five percent sa 39 percent noong December 2018.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ang positibong pananaw at masayang disposisyon ng mga Filipino ay dahil sa mga pagbabagong ipinatutupad ng administrasyong Duterte.

Ito anya ay dahil mas ligtas na ang mga kalye sa krimen at droga, magandang ekonomiya at pag-unlad ng mga lugar dahil sa kaliwa’t kanang proyektong pang-imprastraktura.

“We attribute these results to the optimistic and cheery disposition of Filipinos, and to the prevailing conditions of the country where streets are safe from crimes and drugs, cities are booming with massive infrastructure buildup, and the economy is on a positive turnaround,” ani Paneo.

Ayon kay Panelo, ipagpapatuloy ng administrasyon ang pagbibigay ng mas komportable at payapang pamumuhay para sa mga Filipino.

“There is genuine, visible and meaningful change under the administration of President Rodrigo Roa Duterte as validated by public sentiment. We commit to continue bringing comfortable and peaceful lives for all Filipinos,” dagdag ng kalihim.

Read more...