SWS: Bilang ng mga Filipino na gumagamit ng internet halos hindi nagbago sa 46%
Halos hindi nagbago ang bilang ng mga Filipino na gumagamit ng internet ayon sa resulta ng first quarter survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa survey na isinagawa noong March 28-31, lumabas na 46 percent ng adult Filipinos ang gumagamit ng internet na ‘statistically similar’ sa record-high na 47 percent noong December 2018.
Ayon sa SWS, ang kanilang datos ay patunay na may ‘upward trend’ o paparami nang paparami ang internet users sa bansa na nagsimula sa 8 percent noong June 2006.
Simula noong December 2015 ay nanatili na sa higit 30 percent ang internet users sa bansa at higit 40 percent simula 2018.
Lumalabas din sa March 2019 survey ang record-high na bilang ng mga babaeng Filipino na gumagamit ng internet sa 50 percent na ‘statistically tied’ din sa 49 percent noong December 2018.
Fortyone percent naman sa mga lalaking Filipino ang internet users.
Samantala, simula noong June 2006, Metro Manila na ang may pinakamataas na bilang ng internet users kumpara sa ibang lugar sa bansa.
Sa March 2019 survey, lumabas na 64 percent na ang internet users sa Metro Manila, mas mataas sa 48 percent ng Balanced Luzon, 39 percent ng Mindanao at 34 percent ng Visayas.
Pinakarami naman sa internet users sa bansa o 86 percent ay young at educated Filipinos na may age bracket na 18-24 years old.
Kung educational attainment ang pagbabatayan, 79 percent ay college graduates, 58 percent ang high school graduates, 33 percent ang elementary graduates at 11 percent ang non-elementary graduates.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.